by: •m0shi•
Wala akong balak umatend ng EB talaga. Bukod sa gastos lang yon, for sure maa-out of place lang ako dun, kasi hindi naman talaga ako ganung kaadik na player...at hindi rin naman ako drinker talaga.
7pm nandoon na kami sa Customs bar to set-up tantra banners and syempre para makita na ang place. May mga aayusin pa kasing agreement with the bar owner. Naayos naman before ng event.
Unang dumting si trueblood. Syempre hindi naman kami close at ngayon ko lang sya nakilala kaya medyo ilang ako sa kanya. Na-catch niya lang attention ko nung may pinakita siyang video ng isang tantra player din. Hindi ko na namalayan unti-unti na palang dumadami ang mga players. Buti nalang para maging busy naman ako sa registration ng mga players. At cempre hindi mawawala sa paningin ko ang mga cute guys habang nagreregister sila pero isa lang ang naka-catch ng attention ko at siya ay si secret lolz.
Pero na-out siya sa picture ng dumating na talaga ang crush ko. Hahaha. Dumaan ang mga oras at natapos na ang registration. Iba-iba na rin ang nakakausap ko. Meron sobrang adik sa Tantra. Meron namang sobrang yabang sa Tantra. Meron rin nagattend lang to gain frends at siyempre hindi mawawala ung mga Tantra friends ko na sobrang kukuletz. At habang nakikipag usap ako sa mga ganitong tao ay hinihintay ko rin ang inorder ko na sa di malamang kadahilanan ay nakalimutan i-buzz out tama ba yoon?Gutom na kaya kami. Hahahah.
Anyways dumating naman ang order namin after how many hours. Di ko narin namalayan na umalis pala ang crush ko. Ilang hours ko rin siyang hinintay parang paghihintay ko sa order ko. At last dumating na rin sya but i never expected na dadating siya with someone ay somethree pala kasi tatlong girls ang kasama nila. Hahaha. At hindi ko kinaya yun ah.. kaya naman after an hour nagyaya na akong umalis sabi ko "tara guys boring na here...Starbucks tayo"
E hindi ko naman pwedeng ilabas ang galit ko sa beer baka hindi ako makauwi kaya ibaling nalang sa kape. Nagpaalam na ako sa lahat. Na-hug na rin ako ng lahat at nagpapicture na rin sa lahat tanging sa crush ko nalang hindi. Hayz ang tamang kanta that nyt "mapapansin kaya sa dami ng iyong ginagawa"
Nang unexpectedly bigla syang nagpaalam sakin. Waaaaaa with hug and kiss pa! Waaaaaa. Teka lang kinikilig ulit ako. Easy lang. Hay, feels like heaven ito. Sinamantala ko naring magpapicture. Nag-usap ng konti. Tanggal ang pagkaborg ko at sakit sa simpleng hug nia lang bakit kaya ganoon???
Sa starbucks paulit-ulit kong tinitingnan ang pictures namin wala na akong pakialam sa paligid ko. Pagkauwi ko ini-expect kong makakatulog na ako kaagad pero hindi paulit-ulit nagpeplay sa utak ko ang nangyari.
Iniisip ko rin na bakit ganun pag malayo sya sakin sobrang inis ako sa kanya at nayayabangan pero paglumapit na sya sa akin nawawala lahat. Love na ba pag ganoon?
Corny man pero napanaginipan ko pa sya. Ang hirap matulog ng nakangiti ang sakit sa pisngi kaya. Pero kung sya man ang dahilan ng pagkapuyat ko, ok lng. With just a simple hug from him nawala ang galit ko sa lalake pagdating sa love. Nawala ang pagod at puyat ko sa EB...
Ang tanong ngayon? Love na ba ito or infatuation lang???